Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?
Sagot 1: Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag umaga, kapag sa gabi ka makikinig, f.m. (slang ng p.m) na ang tawag don.
Sagot 2: PWEDENG GAMITIN KAPAG GABI NA PERO, MGA KANTANG INGLES LAMANG ANG MARIRINIG MO DAHIL KAPAG GABI SA ATIN AY UMAGA SA U.S.
Sagot 3: DEPENDE. Kung sa umaga ka makikinig ng a.m. radio kailangan itago mo ang radio kay inday. Lalo na kapag naglalaba ito ng mga brief mo. Dahilan? Dahil tiyak, nakikinig ito ng Matud Nila na drama sa DZRH. Sa gabi naman ay ganoon din, Gabi ng Lagim at Simatar! Magkasunod ang dalawang ito kaya hindi lang si inday ang kakompitensiya mo sa a.m. radio mo kundi pati na rin si dodong na hardinero niyo.