Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Sagot 1: Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang inuod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalagutan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.
Sagot 2: KUNG NAGPAKATAO ANG TAO NUNG NABUBUHAY SIYA, MALALAMANG TINATAO SIYA SA KANYANG LIBING AT MARAMING PUPUNTA. KUNG ANG UUD AY NAGING MABUTING UOD AT NAGPAKAUOD, MALAMANG UURIN DIN SIYA. KAYA DEPENDE SA UOD SA UGALI NG UOD KUNG UUURIN SIYA.
Sagot 3: HINDI. Ang uod ay hindi na inaabutan ng kamatayan. Bago ito mamatay, nagging langaw na siya. Maaring mamatay ang langaw sa utos ni Mam na mag-spray ng basurahan o ng kumedor si inday at si dodong. O dili kaya ay dumikit sa fly-trap na sinabit sa may bintana. Naku, pwede ba galangin natin ang mga patay?!!